Tagalog

Information

Palawakin Lahat | I-collapse Lahat

Maligayang pagbisita sa website ng Pulisya ng Hong Kong.

Ang website na ito ay dinisenyo para matulungan ang publiko na lalung makilala ang aming organisasyon at makapagbigay ng impormasyon sa malawak na serbisyo na inaalok namin sa lahat ng sektor ng komunidad dito sa Hong Kong. Hinahangad din ng website na ito na hingin ang suporta ng publiko sa pangangalaga ng pambansang seguridad at sa pakikipaglaban sa krimen.

Ang aming Pangitain ay manatili ang Hong Kong bilang isa sa mga pinakaligtas at pinakamatatag na lipunan sa buong daigdig. Sa mabilis na pagbabago ng mundong ito, ang mga umuusbong usong krimen, pandaigdig na pagbabantang terorismo at mga sakuna na walang katulad ay nananatiling makabuluhan sa pangdaigdig na konteksto. At kalahok dito ay ang pinagsamang pagsisikap ng lahat. Ang suporta na galing sa inyo, tulad din ng iba pa sa komunidad, ay magbibigay ng matibay na tulong na napakahalaga sa pagtaguyod ng kaligtasan at katatagan ng ating pinakamamahal na lungsod.

Salamat.

Mr SIU Chak-yee
Kumisyoner ng Pulisya


Pangitain

Na ang Hong Kong ay manatiling isa sa mga pinakaligtas at pinakamatatag na lipunan sa buong mundo

Aming Pangkalahatang Layunin

Ang Puwersa ng Pulis ng Hong Kong ay titiyakin ang isang ligtas at matagag na lipunan sa pamamagitan ng:

  • pagtangkilik ng pananaig ng batas
  • pagmanatilihin ang batas at kaayusan
  • pagtuklas at paghadlangan ang krimen
  • pag-ingat at pagprotekta ng buhay at ari-arian
  • pagtrabaho sa pakipagtulungan sa komunidad at iba pang ahensya
  • pagsumikap para sa kahusayan sa lahat ng aming gawain
  • pagpanatili ng publikong tiwala sa Puwersa

Aming Paman

  • Integridad at Katapatan
  • Paggalang sa mga karapatan ng mga miyembro ng publiko at ng Puwersa
  • Makatarungan, walang pinapanigan at madamayin sa lahat ng aming pakikitungo
  • Pagtanggap ng responsabilidad at pananagutan
  • Porpesyonalismo
  • Dedikasyon sa kalidad ng paglilingkod at patuloy na pagpapabuti
  • Kakayahang tumugon sa pagbabago
  • Epektibong komunikasyon sa loob at sa labas ng Puwersa

Katiyakang Kaalaman ng Hong Kong – Ang Pulisya

Telepono Facsimile
Tawag na Pang-emerhensiya 999
Helpline Laban sa Pandaraya 18222
Hotline ng Pulisya sa Pag-uulat ng Droga 2527 1234
Hotline ng Komersyal at Teknolohiyang Krimen 2860 5012
Hotline ng Organisadong Krimen at Triad 2527 7887
Hotline ng Sentro na Dibisyon sa Paguusig ng Trapiko 2866 6552
Opisina ng Sertipiko na Walang Kahatulang Kriminal 2396 5351
Hotline ng Pagsusuring Ulat ng Kahatulang Panghahalay 3660 7499
Mga Usaping Pagkuha ng Lisensiya 2860 2973
Hotline ng Pangangalap 2860 2860
Hotline ng Opisina ng Pagreklamo Laban sa Pulisya 2866 7700 2200 4460
2200 4461
Hotline ng Pulisya 2527 7177
Hotline ng Turistang Hapon 2529 0000
992 SMS Hotline pang-Emerhensiya para sa may pananalita/pandinig na kapansan (para lamang sa mga naka-rehistro)(Ingles lang)

Pag-uulat na Hotline ng Kagawaran ng Pambansang Seguridad

Hotline sa pag-ulat ng Kontra Terorismo (KT)